Naghigpit pa ang PSG o Presidential Security Group sa ipinatutupad na seguridad para sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod na rin ito nang nabunyag na banta sa buhay ng pangulo.
Bahagi nang pinaigting na seguridad ang pagbabawal ng psg sa mga ballpen, lapis at mga bottled water sa mga presidential visits sa ibat ibang lalawigan.
Sa pagbisita ng pangulo sa Barangay Labuan sa Ipil, Zamboanga Sibugay, hindi pinayagan ang mga mamamahayag na magdala ng ballpen at lapis gayundin ng bottled water.
Hindi rin pinayagan ang mga social workers, mga guro, estudyante at mga nurse sa venue kung saan magsasalita ang pangulo.
Nangangapa ang mga otoridad sa nabunyag na banta sa buhay ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ito ni Chief Supt Billy Beltran, Regional Director ng Police Regional Office 9.
Lumutang ang isyu ng death threat sa Pangulo matapos ang pagbisita ng pangulo sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Sinabi naman ni Beltran na hindi isasapubliko ng PSG ng anumang detalye sa nasabing banta sa buhay ng Pangulong Duterte.