Kabilang sa prestihiyosong Cannes Film Festival ngayong taon ang limang Filipino-produced films.
Kabilang sa non-competetive Cannes Premiere category ang pelikulang “Magellan” ni Lav Diaz na tatalakay sa buhay ng Portuguese Colonizer na si Ferdinand Magellan na binibidahan ni Gael Garcia Bernal.
Kasama rin sa pelikula ang Filipino actors na sina Ronnie Lazaro bilang Raja Humabon at Hazel Orencio bilang Juana.
Samantala, kalahok naman sa Palme d’Or Competitive category ang Japanese film na “Renoir” kung saan bahagi ang mag-inang aktres na sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde Bilang Producers Ng Pelikula.
Habang bahagi rin sa festival ang short films na “Agapito” Nina Arvin Belarmino at Kyla Danelle Romero, “Ali” ni Adnan Al Rajeev, at “Bleat” na co-production ng Pilipinas, Malaysia, at France.—sa panulat ni Mark Terrence Molave