Ilan sa mga rason ng pagkakaroon ng eye bags ang sobrang pagpupuyat, paninigarilyo, at sobrang pag-inom ng alak.
Dahil dito, nababawasan ang laman sa ilalim ng mata, nasisira ang mga ugat, at nangingitim ang kulay.
Para mabawasan ito, kailangang makakuha ng pito hanggang walong oras na tulog tuwing gabi.
Maaari ring magpalamig ng ilang hiwa ng pipino o tea bags at ipatong sa ibabaw ng mata sa loob ng labinlimang minuto.
Kung nagmamadali, maaari ring ipatong ng ilang minuto ang yelo o pinalamig na kutsara.
Siguraduhin din na uminom ng walo hanggang sampung basong tubig kada araw para laging hydrated ang katawan.
Umiwas din sa stress at panatilihin na laging maging masaya para gumanda at mabawasan ang eye bags. —sa panulat ni Mark Terrence Molave