Maaari nang makapasok sa first-level government positions ang mga nagtapos ng grade 10 at 12.
Kasunod ito ng inamyendahang requirement ng Civil Service Commission para sa clerical, custodial, at sub-professional roles sa pamahalaan.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, sa ilalim ng CSC resolution no. 2500229, saklaw nito ang grade 10 completers at grade 12 graduates simula taong 2016, maging ang mga nakapagtapos technical-vocational-livelihood track na mayroong TESDA national certificate 2 certification.
Layon aniya ng nasabing hakbang na buksan ang public service sa mga kabataan, bilang bahagi ng ipinatutupad na reporma sa K-12 program.
Paalala naman ng pamahalaan, mangangailangan pa rin ito ng iba pang requirements, gaya ng training, experience at civil service eligibility.