Abala na ngayon ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Sulu sa pag-aasikaso sa libu-libo nilang kababayan na nagsilikas
Kasunod ito ng nagpapatuloy na opensiba ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayaf na nagkukuta sa nasabing lugar
Batay sa tala ng Sulu provincial disaster risk reduction and management office o PDRRMO, aabot sa 5000 residente ang nagsilikas na sa kani-kanilang tahanan at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center
Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng mga lokal na pamahalaan para suportahan ang pangaraw-araw na pangangailangan ng mga evacuees
Karamihan sa mga nagsilikas ay mula sa mga barangay Latih, Bungkahung, Tugas at Maligay sa bayan ng Patikul
By: Jaymark Dagala