Mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City.
Ito’y makaraang itaas ng National Capital Region Police Office ang full alert status sa Metro Manila bilang bahagi ng State of Lawlessness na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Araneta bus terminal, nakatalaga ang isang unit ng Quezon City Police District Bomb Squad upang maiwasan ang pagpasok ng mga pampasabog.
Katuwang ng bomb squad ang isang K-9 na may kakayahang mag-detect ng iba’t ibang uri ng bomba tulad ng improvised explosive device na ginamit ng Abu Sayaf sa Davao City noong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng labing-apat na taon.
Sa kabila nito, nananatiling mababa ang bilang ng mga pasahero partikular na ang mga uuwi sa malalayong lalawigan.
By: Drew Nacino