Buong buhay ang handang ialay ng isang lalaki sa Japan para sa mga asong nakaranas ng pang-aabuso bilang pasasalamat sa kaniyang alaga na nagligtas sa kaniya nang magtangka siyang tapusin ang kaniyang buhay.
Ang kwento ng lalaki, eto.
Labindalawang taon na ang nakakaraan nang humarap sa problemang pinansyal ang kumpanya ng 54-anyos na Japanese man na si Hirotaka Saito.
Pinanghinaan ng loob si Saito at nagbalak na lisanin ang kanilang bahay at tuluyang tapusin ang kaniyang buhay.
Pero hindi natuloy ang pinlano ni Saito dahil hindi siya tinantanan ng alaga niyang aso na bigla na lang humarang sa kaniyang daanan kung kaya hindi ito nakaalis ng bahay.
Dahil dito, nangako si Saito na susuklian niya ang ginawang pagligtas sa kaniya ng alaga niyang aso sa pamamagitan ng pagsaklolo sa mga aso na nakaranas ng pang-aabuso.
Sinimulan ni saito ang kaniyang hangarin sa pamamagitan ng pagbebenta ng kaniyang luxury car at ipinatayo ang Wansfree Canine Rescue Centre na matatagpuan sa Central Japan.
Tumatanggap ang shelter ng mga asong may temper, yung tipong tinatahulan at kinakagat ang kahit na sino.
Ayon sa report, tumatanggap ang shelter ng mga asong nakaranas ng pang-aabuso, na siyang naging dahilan kung bakit may temper ang mga ito.
Sa kasalukuyan, 40 na mga aso at walong mga pusa na ang nasa pangangalaga ng Wansfree na balak pang paabutin ni Saito sa 300 mga aso sa susunod na tatlong taon.
Dahil sa pasasalamat sa isang aso, ginawa nang life-long goal ni Saito na magligtas ng mga aso. Bukod pa riyan, sinabi rin ni saito sa isang panayam na nasa magandang kalagayan na siya ngayon.
Sa mga pet lovers diyan, hanggang saan aabot ang pagmamahal niyo para sa inyong mga alaga? Willing din ba kayo na maging pet-rescuer?