Nahuli ng hanay ng Bureau of Immigration (BI) ang lider ng sindikato ng korean online gambling sa isang operasyon sa Quezon City.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang koreano na si Lee Jaehun, 42 anyos.
Aabot sa 1.4T won o 1.7 milyong dolyar ang halagang natangay ng sindikato sa mga kababayang koreano dahil sa iligal na pasugalan mula Enero 2015 hanggang Oktubre 2016.
Nahaharap sa ‘warrant of arrest’ si lee na inilabas ng changwon district court sa South Korea dahil sa paglabag sa kanilang ‘illegal gambling law’.
Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa bi warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inilagay na rin siya sa immigration blacklist at inaasikaso na ang pagpapa-deport sa naturang koreano. —sa panulat ni Kim Gomez