Nakatakdang tulungan ng Philippine Red Cross (PRC) ang nasa 400,000 biktima na nasalanta ng bagyong Odette.
Sinabi ni PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon, umaasa sila na magiging matagumpay ang kanilang paghahatid ng tulong kung saan marami ang nagpaabot ng tulong para sa mga ito.
Matatandaang, nagpatawag si Gordon ng isang emergency diplomatic meeting kasama ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) at 29 ambassadors at diplomats para pasalamatan ang kanilang mga kontribusyon at donasyon para sa mga apektado ng bagyo.
Samantala, nangako ang PRC na maghahatid ng agarang relief at long-term recovery efforts para sa nasabing bilang na indibidwal na suportado ng IFRC.