Bukas ang sa mga isasagawang kilos protesta sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.
Gayunman ayon sa Pangulo, bagamat malaya ang lahat na maglabas ng kanilang saloobin sa mga isyu sa bansa, ay walang sinuman ang may karapatang manggulo para lamang sa pansarili nitong gustong ihayag sa publiko.
Giit ni Pangulong Duterte, sa oras na magkaroon ng panggugulo ang anumang uri ng kilos protesta ay tiyak na kahaharapin ng mga militante ang pwersa ng pamahalaan.
Una nang inihayag ng Pangulo na may kalayaan ang lahat ng mga pilipino kabilang na ang kanyang mga kritiko na pansinin ang mga polisiya ng kanyang administrasyon.