Home NATIONAL NEWS Kasong plunder laban sa mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste, inihahanda na ng Ombudsman

Karampot na oil price rollback nakaamba ngayong linggo

by DWIZ 882 January 16, 2017 0 comment
oil-hike

Magpapatupad ng katiting na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.45 hanggang P0.55 ang bawas presyo sa kada litro ng gasoline.

Nasa P0.30 hanggang P0.40 naman ang posibleng ibaba ng presyo sa kada litro ng diesel gayundin ng kerosene.

Magugunitang dalawang linggong nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpaniya ng langis sa pagpasok ng taong 2017 o limang beses mula noong Disyembre ng nakalipas na taon.

By  Jaymark Dagala   

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment