Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang prangkisa ng Manila Water Company at Maynilad Water Services Incorporated.
Sa botong 206-7-0, lusot na sa kamara ang House Bill 9422 o pagbibigay ng prangkisa sa Maynilad at House Bill 9423 o pagbibigay ng prangkisa sa Manila Water.
Sa ilalim ng mga naturang panukala, papayagan ang Maynilad at Manila Water na mag develop, finance, construct, install, maintain at mag-operate ng supply ng tubig.
Tatagal ng 25 taon ang prangkisa ng Maynilad at Manila Water maliban na lamang kung i-revoke o bawiin ng Kongreso sakaling malagay sa alanganin ang interest ng publiko.