5 sa bawat 10 Pilipino ang naniniwala na mapanganib ang paglalathala ng mga isyu kontra sa administrasyong Duterte.
Batay ito sa inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Hulyo 3 hanggang 6.
Batay sa survey mula sa kabuuang 51%, nasa 23% rito ang lubhang naniniwala habang 27% rito ang bahagya lamang na naniniwala.
Nasa 30% sa mga ito naman ang hindi naniniwalang delikado ang maglathala o magsahimpapawid ng mga opinyong kontra sa administrasyon kahit pa ito’y katotohanan.
Habang 18% sa mga ito ang tumanggi namang magbigay ng kanilang posisyon o undecided sa nasabing survey.
Isinagawa ang survey sa panahong tinatalakay sa kamara ang panukalang muling bigyan ng prangkisa ang TV broadcast giant na ABS-CBN.