Kanselado ang pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iginagalang ng Malacañang ang pasya ni Suga na ipagpaliban ang pagdalaw sa Pilipinas lalo pa’t katuwang ng bansa ang Japan sa laban kontra COVID-19.
Ang punong ministro ng Japan ay nakatakdang bumisita sana sa bansa ngayong taon kasabay ng 65 anibersaryo mng bilateral relations ng dalawang bansa.