Nag-aalok ng libreng tawag ang isang telecommunications company sa mga naapektuhan ng magnitude 6 point 6 na lindol sa Cotabato City.
Sa abiso ng Globe Telecom Incorported, naglagay na sila ng mga libreng tawag at libreng charging centers sa ilang lugar sa Cotabato para matulungan ang mga residente.
Anila, isa ang kanilang nilagay sa Kidapawan City Hall na nagsimula nang mag-operate mula alas 9:00 umaga hanggang ala 6:00 ng gabi.
Habang bubuksan rin ang libreng tawag at charging stations sa Tulunan Municipal Hall simula bukas ng alas 10:30 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.