Inatasan ng isang International Court ang Philippine Government na magbayad ng P7.39B sa Manila Water bilang kompensasyon dahil sa nalugi ng kompanya nang ibasura ang hirit nitong taas-singil noong 2015.
Batay sa hatol ng permanent court of arbitration na nakabase sa Singapore, binigyang diin na may karapatang maghabol ang water concessionaire para makabawi bunsod ng umano’y ‘breach of its obligation’ na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas.
Maliban dito, sinasabing ang nabanggit na halaga ay katumbas ng naranasang pagkalugi ng Manila Water mula June 2015 hanggang November 2019.