Nawalan ng komunikasyon ang isang eroplano ng Sriwijaya Air ilang minuto lamang matapos itong lumipad ngayong Sabado mula sa Jakarta, Indonesia patungong Pontianak sa Kanlurang Kalimantan province.
Batay sa ulat ng reuters, tinatayang nasa 62 katao ang lulan ng naturang eroplano , 56 na pasahero kabilang ang 10 bata at 6 na crew.
Ayon naman sa mga rescuers, posibleng mula sa eroplano ang mga debris na natagpuan sa karagatan sa labas ng lungsod.
Base naman sa twitter post ng Flightradar24, isang mapagkakatiwalang tracking service na ang Flight SJ182 ay nawala ng halos 10,000 ft. altitude sa loob lamang ng halos isang minuto, apat na minuto matapos ang paglipad nito mula sa paliparan.
Samantala, ayon naman sa Sriwijaya Air- ang airline ng nawawalang eroplano na patuloy itong kumakalap ng mga detalye bago maglabas ng buong pahayag hinggil sa insidente.—sa panulat ni Agustina Nolasco