Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang limang taong gulang batang babae sa bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Dr. Edwin Galapon, Nueva Vizcaya Inter Agency Task Force on COVID-19 Chief, UTI ang dahilan kaya’t dinala sa ospital at na-confine ang bata.
Nagkaroon na rin ito ng lagnat kaya naman kinuhanan na siya ng swab sample at nagpositibo nga sa COVID-19.
Wala namang travel history ang bata sa ibang bansa o maging sa Maynila.
Anila maaaring nakuha ng bata ang virus sa byahe nito patungong ospital kaya’t nagsagawa na ng contact tracing
Sa ngayon umano ay maaayos naman ang kundsiyon ng bata at plano nang ilipat sa Region 2 trauma and medical center.