Binuksan ng Office of the Vice President (OVP) ang ika-7 satellite office nito sa Bacolod City.
Ayon kay OVP Spokesman Atty. Reynold Munsayac, pinasinayaan ang naturang satellite office nitong Lunes, Agosto 1.
Sinabi pa ni Munsayac na si Dr. Cris Rongon ang magsisilbing satellite office manager.
Una rito, nagbukas din ng satellite offices ang OVP sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa Surigao Del Sur, na nagbibigay ng medical at burial assistance sa mga nangangailangan.