Tinanggal na ng Department of Agriculture o DA ang temporary ban sa pag-aangkat ng poultry products mula sa Canada at Turkey.
Ito’y matapos makumpirma mula sa Global Animal Health authorities na wala nang bird flu virus sa mga naturang bansa.
Ayon kay Dr. Martine Dubuc, Chief Food Safety Officer ng Canadian Food Inspection Agency, nakontrol na ang avian influenza outbreak na tumama sa kanilang bansa.
Kinumpirma naman ni Dr. Irfan Erol, Director General ng Ministry of Food Agriculture and Livestock ng turkey na napuksa na rin ang avian virus na kumalat sa Ankara.
By Jelbert Perdez