Tinawag na “unconstitutional” o labag sa konstitusyon kung idi-dismiss ng senado ang impeachment case nang walang ginagawang paglilitis.
Ito ang sinabi ni Manila Rep. Joel Chua, isa sa 11-man prosecutors kasunod ng pagsulpot ng isang resolusyon na nagpapabasura sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Katwiran ni Cong. Chua, posibleng malabag ng senado ang kanilang constitutional mandate.
Nang matanong kung i-aakyat ba ang usapin ng resolusyon sa korte suprema, sinabi ng mambabatas na hindi pa ito napag-uusapan ng prosekusyon.
Aniya, handa ang panel ng kamara na humarap sa senado sa Hunyo 11 para sa pagbabasa ng articles of impeachment.
—sa panulat ni John Riz Calata