Nanawagan ang iba’t ibang labor group sa harap ng mismong gusali ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Ito’y para ipanawagan ang tulong para sa mga manggagawang apektado ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Ilan sa mga nagkilos protesta ay mga miyembro ng bukluran ng manggagawang Pilipino at ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reform Federation (SUPER).
Iginiit ng mga nabanggit na grupo na ginagamit ng mga kumpaniya ang sitwasyon upang alisin ang mga manggagawang produktibo subalit tutol sa mga polisiyang kanilang ipinatutupad.
Panahon na rin anilang buwagin ng tuluyan ang kontraktuwalisasyon dahil marami sa mga manggagawa ang nawalan ng trabaho ngayong pandemiya dahil sa nasabing sistema.