Ilang kalasada ang isasara bukas, Pebrero 24 kaalinsabay ng paggunita sa 32 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Batay sa abiso ng Quezon City Police District o QCPD, sarado ang kahabaan ng EDSA northbound mula Ortigas hanggang Boni Serrano mula ala – 6:00 hanggang alas 11:00 ng umaga.
Magbubukas naman ng zipper lane sa southbound ng EDSA mula SM Megamall hanggang Main Avenue kung saan, papayagan ang mga motorista na mag-counter flow.
Buong araw namang sarado ang Whiteplains Ave. na siyang magsisilbing parking area ng lahat ng mga dadalo sa programa at pagtatayuan din ng tent at stage ng iba’t ibang grupo.
Payo naman ni QCPD Director C/Supt. Guillermo Eleazar sa mga motorista, maaring tahakin ang C-5 sa halip na sa EDSA dumaan.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio