Naghain na ng petisyon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para ma-cite in contempt si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni I.C.I. Executive Director Brian Hosaka matapos isnabin ni Co ang pagpapatawag sa kanya ng komisyon kahapon.
Sinabi ni Director Hosaka na gagawin ng I.C.I. ang lahat ng legal na paraan para mapalutang si Co sa kanilang pagdinig.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Director Hosaka na hindi maaaring magpadala lamang ng kinatawan si Co sa mga pagdinig ng ICI dahil ito mismo ang dapat o personal na magpakita sa komisyon para magbigay ng kanyang testimonya sa pagkakasangkot nito sa nasabing isyu.