Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

House prosecution, pabor sa schedule na ibinigay ng Senate Impeachment Court tungo sa mas mabilis na paglilitis

by DWIZ 882 September 3, 2026 0 comment
HOUSE PROSECUTION

Suportado ng House prosecution panel ang bagong iskedyul na ipinatupad ng Senate Impeachment Court na inilatag ni Presiding Officer Senator Chiz Escudero.

Kumpiyansa si House Prosecutor Terry Ridon na bibilis ang paglilitis sa ilalim ng bagong schedule, kung saan magiging full-day ang mga pagdinig at aabot sa apat na araw kada linggo.

Naniniwala si Ridon na maaaring umabot sa hanggang tatlong testigo kada araw ang maihaharap sa direct at cross-examination at sa mga tanong ng senator-judges.

Mas mapapabilis pa umano ang paglilitis kung papabor ang depensa sa mga panukalang stipulation ng prosecution.

Tiwala si Ridon na agad matatapos ang presentasyon ng ebidensiya upang makapagdesisyon na ang senator-judges sa paglilitis kung convicted o acquitted si VP Sara.

Gayunman, aminado siyang kailangan din nilang balansehin ang kanilang tungkulin bilang mambabatas sa paggawa ng mga batas at prosecutors sa pagdalo sa impeachment trial. | via Geli Mendez (Patrol 30)

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment