Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

OVP, no comment sa isyu ng PAX Silica matapos mapag-usapan sa budget hearing ng Kamara

by DWIZ 882 September 3, 2026 0 comment
OVP

No comment muna ang Office of the Vice President (OVP) sa isyu ng PAX Silica Project.

Sa budget hearing ng House Appropriations Committee, naungkat ni Kabataan Partylist Rep. Renee Co ang posisyon ng OVP sa kontrobersyal na proyekto matapos ang viral video ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaang natanong ang Bise Presidente hinggil sa PAX Silica, pero “no comment” ang ibinigay na tugon niya.

Natanong din hinggil sa isyu si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, ngunit sinabi niya na hindi siya makakasagot dahil hindi ito sakop ng usapin sa 2027 budget.

Ayon kay Co, bilang may policy coordinator ang OVP, maaaring magkaroon ito ng inisyal na hakbang upang pag-aralan ang PAX Silica at maglabas ng posisyon.

Tugon naman ni Lopez, may mga natatanggap na rin silang mga sulat na humihingi ng posisyon ng OVP kaugnay sa nasabing usapin. | via Geli Mendez (Patrol 30)

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment