Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Hiling na travel expenses ng OVP para sa taong 2027, aabot sa P51 million

by DWIZ 882 September 3, 2026 0 comment
ovp ilbo

Pumalo ng P51 million ang pondong hiniling ng Office of the Vice President (OVP) para sa travel expenses ng taong 2027.

Ito ang naungkat ni Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago sa budget hearing ng Appropriations Committee para sa panukalang budget ng OVP na aabot sa mahigit P785.2 million para sa susunod na taon.

Natanong ni Elago ang OVP kung magkano ang nagastos sa biyahe ng Bise Presidente noong 2025 kung saan, sinabi ni OVP Director Rosalynne Sanchez, na may P56 million na pondo para sa biyahe ang OVP noong 2025.

Mula sa naturang halaga, nasa P12.9 million ang para sa mga biyahe sa abroad, habang P32.5 million naman ang nagastos sa mga lokal na biyahe ng Pangalawang Pangulo.

Sakop rin ng gastos ang pagbiyahe ng mga personnel at security detail, gayundin ang mga biyaheng kaugnay sa mga programa ng OVP, kabilang ang Last-Mile Schools.

Ang pondong hinihiling para sa 2027 ay nakalaan sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). | via Geli Mendez (Patrol 30)

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment