Naghahanda na ang House prosecution panel partikular ang grupong naka-assign para sa Article II o sa umano’y unexplained wealth sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi ni House Prosecutor Terry Ridon, na natanggap na ng kanilang panig ang bank records ng mag-asawang Duterte at ni Atty. Manases Carpio maging ang kanilang mga kumpanya, gayundin ang tax documents mula sa BIR.
Paliwanag ni Ridon, kanilang susuriin ang mga dokumento na nagsisilbing huling mahalagang “pillar” ng ebidensya para sa Article II na ipiprisinta sa Impeachment Court.
Nilinaw naman ni Ridon na wala pa pang pinal na desisyon kung ipagpapatuloy ang Article III o ang umano’y bribery charges pero isa sa mga kinokonsidera, ang bigat ng ebidensya sa umano’y unexplained wealth at kulang na deklarasyon sa SALN. | via Geli Mendez (Patrol 30)

