Na-expired ang halos 3,000 (2,750) doses ng bakunang Aztrazeneca na idiniliber sa Region 9- Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Department of Health (DOH) Region 9 Dr. Mary Germalyn Punzalan, napanis ang mga bakuna dahil nabigo itong maiturok ng tumanggap na lokal na pamahalaan sa nasabing rehiyon.
Aniya, ang nabanggit na bakuna ay ipinamahagi noong Oktubre at nakatakdang masira ng katapusan ng Nobyembre.
Samantala, pinagsumite ni DOH Regional Director Dr. Joshua Brilantes ang hindi pinangalanang LGU ng paliwanag kung bakit hindi nagamit ang mga bakuna. —sa panulat ni Airiam Sancho