“out” muna sa game 6 ng NBA finals si Golden State Warriors center Andrew Bogut.
Nagtamo ng injury sa kaliwang tuhod si Bogut matapos makabanggaan si JR Smith ng Cleveland Cavaliers na tinangkang mag-lay up sa nalalabing dalawang minuto ng 3rd quarter.
Sasailalim ang Australian basketball player sa MRI. Upang mabatid kung gaano ka-seryoso ang injury na natamo sa game 5 kung saan natalo ang defending champion sa score na 112-97.
Magugunitang hindi nakapaglaro sa game 5 ang forward ng Warriors na si Draymond Green matapos patawan ng 1 game suspension.
Bagaman hindi makapaglalaro sa game 6, inaasahang babalik naman si Green para makaharap ang Cavaliers sa homecourt nito sa Quicken Loans Arena sa Sabado.
By: Drew Nacino