Nalusutan ng Gilas Pilipinas ang isa sa mga mahihirap nitong laban sa ginaganap na 2015 Jones Cup sa Taiwan.
Ito’y matapos gibain ng Gilas ang koponan ng New Zealand sa score na 92-88.
Mistulang dumaan sa butas ng karayom ang Gilas dahil sa unang quarter pa lamang ay naghahabol na ang mga pinoy.
Subalit, nadikitan ng Philippine national basketball team ang New Zealand pagsapit ng ika-apat na quarter.
Naipwersa ng gilas ang laro sa overtime at doon nagpakita ng matinding opensa at depensa ang koponan ng Pilipinas kaya’t naipanalo ang laro.
By: Jelbert Perdez