Hindi na sasagutin ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ang gastusin sa ipinatutupad na coronavirus disease 2019 (COVID-19) health protocols pagdating sa nasabing bansa.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, matapos aniyang magbigay ng kasulatan ang gobyerno ng Saudi Arabia na nag-aatas sa mga employer na magbayad o sumagot sa gastusin sa quarantine ng mga empleyado nilang OFW.
Magugunitang pansamantalang pinagbawalan ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga OFW sa Saudi Arabia kasunod ng balitang pagpapataw sa kanila ng sari-saring gastusin para sa pagsunod ng COVID-19 health protocols.
Meron lang kautusan ang pamahalaan ng Saudi Arabia na ‘yung mga kababayan natin na pupunta doon na mgku-quarantine ng 10 days ang bayad ay hindi ‘yung OFW kundi ‘yung kanilang employer,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas