Dumating na ang nasa 61 manggagawang Pinoy na bahagi ng unang batch ng Filipino hotel workers sa Israel.
Sinalubong ni Philippine ambassador to Israel, H.E., Macairog Alberto, kinatawan mula sa embahada, at Population and Immigration Authority o PIBA.
Bukod sa buwanang sahod na nasa 74,000 pesos ay mayroon ding matatanggap ang mga Pinoy workers na medical insurance at foreign workers deposit fund.
Tina-target ng Isareli government na makapag-hire ng kabuuang 500 hotel workers sa bansa sa ilalim ng Philippines-Israel labor agreement.