Hindi maiiwasan na gamitin ng mga estudyante ang TV screen sa loob ng classroom para mag-movie marathon, lalo na kapag walang nakabantay na teacher. Pero sa kaso na ito, isang estudyante ang hindi sinasadyang nag-develop umano ng mental disorder matapos manood ng horror movie sa loob ng eskwelahan. Sa tindi ng pinsala nito sa bata, umabot sa punto na nagsampa ng kaso laban sa school ang mga magulang nito.
Kung ano nga ba ang naging hatol ng korte, eto.
Pinahintulutan ng isang eskwelahan sa Hangzhou, China at ng head teacher nito na gamitin ng isang section ang TV sa kanilang classroom na manood ng pelikula habang nagse-self study mga ito dahil naka-temporary leave ang kanilang teacher nang mangyari ang insidente.
Ayon sa ulat, napagkasunduan ng mga estudyante na manood ng horror movie.
Pero isang gabi pagkatapos manood, nag-iba ang kilos ng estudyante at nagsimulang magpakita ng mga sintomas katulad ng hirap sa pagsasalita at delusions. Mabuti na lang at agad itong ipinatingin ng kaniyang mga magulang at doon na-diagnose ng Acute and Transient Psychotic Disorder.
Ayon sa mga magulang ng isa sa mga estudyante, matindi ang naging epekto ng nasabing pelikula sa bata.
Dahil sa paniniwala na ang movie ang sanhi ng diagnosis ng kanilang anak, nagsampa ng kaso ang mga magulang nito laban sa eskwelahan.
Ang tugon ng pamunuan ng institusyon? Wala umano silang responsibilidad sa kondisyon ng bata at maaaring na-trigger ito ng existing mental problems ng bata.
Gayunpaman, sa kabila ng pagtanggi ng eskwelahan sa responsibilidad, sinabi ng korte na 30% responsible ang mga ito sa kaso at tinawag na kapabayaan ang ginawa nitong pagpayag na manood ng pelikula ang mga estudyante. Pinagbabayad din ito ng mahigit 76,000 pesos na halaga ng insurance.
Ikaw, sino sa palagay mo ang may kasalanan sa kasong ito? Sapat na ba ang kabayaran ng eskwelahan para sa iniwan nitong damage sa estudyante?



