Muling umapela ang mga jeepney operator sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng dagdag pasahe sa pampasaherong jeep.
Ito’y sa harap ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa bansa.
Hirit ng mga jeepney operator na itaas ang pasahe sa labing-limang piso mula sa labing-tatlong piso sa traditional jeepney, at labing-pitong piso mula sa labing-limang piso sa mga modern jeepney.
Kaugnay nito, iniutos na ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa LTFRB na maglabas ng desisyon hinggil sa fare hike petition ng mga jeepney operators.
—Sa panulat ni Jordan Gutierrez




