Isang overseas Filipino worker (OFW) na nagpositibo sa COVID-19 ang naitalang kauna-unahang kaso ng virus sa Eastern Samar.
Ayon kay Eastern Samar Gov. Ben Evardone, ang 30 anyos na OFW ay taga Mercedes at dumaan sa Cebu mula sa bansang Singapore.
Batay sa ulat ng Eastern Samar Provincial Health Office, lulan ang nasabing OFW ng barko mula Cebu patungong hilongos sa Leyte at dumating sa Tacloban City nuong Hunyo 6 sakay ng shuttle bus.
Gayunman, agad muna itong dinala sa isolation facility ng Mercedes kung saan, isinailalim ito sa swab testing at duon nakumpirma na positibo nga ito sa COVID-19.
Dahil dito, agad ikinasa ng mga awtoridad ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing OFW kung saan, isinailalim na ang mga ito sa swab testing ngayong araw.