Patuloy ang pag-aaral ng Inter-Agency Task Force Boracay kung paano mapapaaga ang pagbubukas ng Boracay Island.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, positibo silang mas mapapabilis ang rehabilitasyon at paglilinis sa Boracay dahil napakarami ng volunteers na tumutulong sa kanila.
Sa ngayon aniya ay tunay na nakapanibagong tignan ang isla na dati ay halos mapuno ng mga turista.
Gayunman, isa anyang magandang pagkakataon para sa Boracay ang anim na buwang temporary shutdown upang makapagpahinga ang isla mula sa maraming taong pang-aabuso at maibalik sa dating porma ang paraiso.
Nagsimula na agad ng construction at demolition sa mga illegal na istraktura sa Boracay Island.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, sinimulan na agad nila ang pagtatanggal ng mga illegal na istraktura lalo na sa main road ng Boracay.
Gayunman, pinakahalaga aniya sa pagsasara ng Boracay ay ang pagkakataong, makapagpahinga ang isla mula sa napakaraming tao na dumadagsa duon sa nakalipas na maraming taon.
“Medyo iba kasi nasanay tayo na napakaraming tao pati ‘yung kalye ay traffic, mabilis tayong naka-ikot ngayon, maraming construction, maraming ginagawang demolition sa main road, sa beach area talagang cleared na cleared ngayon ang West white sand beach, si Mother Nature ay talagang nakapagpapahinga, maganda nag magiging resulta nito.” Pahayag ni Alegre
(Ratsada Balita Interview)