Nilinaw ni Department of Health Undersecretary Spokesperson Dr. Maria Rosario Vergeire na naipamahagi na ng kanilang ahensya ang nasa P2.7 bilyong halaga ng undistributed medical supplies sa mga ospital sa bansa.
Ayon kay Vergeire ginagamit na ngayon ng mga pasyente ang mga supply na binili ng pamahalaan sa Pharmally at iba pang bansa.
Matatandaang sinita ni Senator Ping Lacson ang katiwalian ng kagawaran ng kalusugan kaugnay sa overstocking sa expired at near-expiration medicines na nagkakahalaga ng P2.7 billion kasama pa ang P2.2 billion pesos noong taong 2019. — Sa panulat ni Angelica Doctolero