Kinumpirma ng Department of Health na hindi magpapatupad ng lockdown sa bansa ang pamahalaan dahil sa mpox.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi pa kailangang magpatupad ng lockdown at wala pa rin anya silang planong ipag-utos ang paggamit ng face mask o face shields.
Paliwanag muli ng kalihim, ang nasabing sakit ay hindi katulad ng COVID-19 na airborne at hindi rin kasing-bilis nito ang pagkalat ng mpox.
Binigyan-diin naman ni Secretary Herbosa, na nakahanda na rin ang departamento sa Clade One-b variant ng mpox na sinasabing mag nakamamatay kesa sa mpox Clade two.