Muling nagkaengkwentro ang militar at New People’s Army.
Ayon kay 10th Infantry Battalion Spokesperson Captain Ray Batchar, tumagal ng pitong (7)minuto ang palitan ng putok ng mga rebelde at sundalo sa Sitio Kisoy, Barangay little Baguio, Malita, Davao Occidental mag-aalis 10:00 ng umaga.
Walang sundalong nasawi sa bakbakan.
Matatandaang sa sagupaan ng militar at mga rebeldeng NPA sa Kalibun Libunan, Barangay Pinagturilan, Santa Cruz, Occidental Mindoro noong isang araw, isang bangkay ng rebelde ang narekober.
Mga pag-aari sa isang planta sa Compostella Valley sinunog ng NPA
Tinatayang aabot sa Isang Milyong Piso ang kabuuang pinsala ng isang planta sa Compostela Valley nang sunugin ito ng mga miyembro ng NPA.
Pag-aari ng DOLE Stanfilco ang nasabing packing plant sa Sitio Santo Niño, Barangay Araibo, Pantukan, Compostela Valley na sinunog noong isang gabi.
Samantala, nakatakas ang mga rebelde gamit ang kanilang motor.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal