Kinumpirma ng mga otoridad ang pagpatay sa isang Filipino American Nurse na una nang napaulat na nawawala nitong September 4.
Gayunman, hindi pa makapagbigay ng mga eksaktong detalye ang Beaverton Police Department sa oregon kung paano at saan natagpuan ang labi ng 32-anyos na si Melissa Jubane na isang Cardiac Nurse sa St. Vincent Medical Center.
Inaresto na ng mga otoridad ang kapitbahay ng biktima na nakilalang si Bryce Jonathan Schubert, 27-anyos at nahaharap na sa kasong murder.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay nagpakasal sa kanyang fiance na si Bryan nuong isang linggo sa Hawaii at kakabalik lamang sa kaniyang apartment nang mapaulat na nawawala.
Samantala, hawak na ng mga otoridad ang lead na nag uugnay sa suspek sa pagkawala ng biktima.