Tiniyak ng Department of National Defense (DND) ang kaligtasan ng mga nakatira sa Pag-asa Island maging sa mga kalapit na isla o bayan nito.
Kasunod ito ng insidente noong nakaraang linggo, sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard kung saan isang “unidentified floating object” ang umano’y sapilitang kinuha ng mga Chinese sa Philippine Navy.
Ayon kay Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., patuloy na nakikipag ugnayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa maayos na lagay ng mga residente sa nabanggit na lugar.
Sinabi ni Faustino, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kanilang mga tauhan maging ang naganap na pagsabog na narinig malapit sa Pag-asa Island.
Iginiit ng opisyal na suportado nila ang diplomatic efforts ng gobyerno upang maipaliwanag ng China ang kanilang panig hinggil sa insidente.