Pinag-iingat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko laban sa sunog.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, nasa 94 na insidente ng sunog ang naitala sa bansa sa loob lamang ng apat na araw ng Fire Prevention Month ngayong Marso.
Base sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), mula Marso 1 hanggang 4, higit 20.4 milyong pisong halaga na ng pinsala sa ari-arian ang natupok sa sunog at pito katao ang namatay sa buong bansa.
Mula Enero 1 hanggang Marso 4 ngayong taon, nasa 2,181 fire incidents na ang naitala sa buong bansa.–-sa panulat ni Abby Malanday