Mariing itinanggi ni dating Senador Antonio Trillanes na binisita niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court detention center para magsagawa ng welfare check.
Ito’y kasunod ng inihain na resolusyon ni Senador Robin Padilla na hinihimok ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y pagtatalaga ng pamahalaan kay Trillanes para magsagawa ng welfare check sa dating Pangulo.
Paliwanag ni Trillanes, hindi siya bumisita sa ICC at iginigiit na may access naman sa telepono si Duterte kaya’t madali itong makapagsasabi sa pamilya niya kung mayroon mang nangyayari.
Magugunitang una nang nagpahayag ng pangamba si Vice President Sara Duterte kaugnay sa sinasabing welfare check na isinasagawa ng Philippine Embassy sa The Hague sa kanyang ama.