Ilang palengke pa rin ang lagpas ang itinatakdang suggested retail price (SRP) sa mga panindang isda.
Ito’y sa kabila ng pagpapatupad ng prize freeze ng Department of Trade and Industry (DTI) sa buong Luzon na nakasailalim sa state of calamity.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba, presidente ng grupong Laban Konsyumer, batay sa kanilang naging monitoring sa Commonwealth Market, mahigit sa SRP ang presyo ng isda.
Ani Dimagiba, mas makabubuti kung nakikita sa mga pamilihan o palengke ang national government, gayundin ang local government unit, upang matakot na magsamantala ang mga nagtitinda.
Maaari umanong gawin ng local price coordinating council ng LGU ang pag-iikot sa mga palengke.