Pasok ang Lungsod ng Maynila sa ika-206 na pwesto sa listahan ng isanlibong “Best City to Live in” sa buong mundo batay sa 2025 Global Cities Index na inilabas ng independent economic advisory firm na Oxford Economics.
Ito ay ibinatay sa iba’t ibang pamantayan tulad ng ekonomiya, edukasyon, kalidad ng buhay, kapaligiran, at pamahalaan.
Nabilang rin ang lungsod sa “25 developing megacities,” o mga lungsod na may populasyong lagpas sampung milyon ngunit may kakulangan sa imprastruktura at mababang antas ng kita kada tao.
Ayon sa Oxford economics, isinagawa ang rankings gamit ang weighted average: ekonomiya (30%), human capital (25%), quality of life (25%), kapaligiran (10%), at pamahalaan (10%).
Kabilang din sa listahan ang iba pang lungsod sa Pilipinas kagaya ng Cebu City – ika-470; Angeles City – ika-488; Bacolod City – ika-518; Davao City – ika-519; Cagayan De Oro – ika-577; Dagupan City – ika-581; General Santos – ika-835; Zamboanga City – ika-861.