Aarangkada na ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo bukas, Disyembre 20.
Batay sa abiso ng kumpanyang Caltex,Shell, Sea Oil, PTT Philippines, Petro Gazz at Clean Fuel nasa P.0 70 ang itataas sa kada litro ng gasolina habang P2 .90 naman sa kada litro ng Diesel.
Samantala, tanging ang kumpanyang Caltex, Shell at Sea Oil lamang ang may taas singil sa kada litro ng kerosene na nasa P1.65.
Epektibo ang taas presyo ng kumpanyang caltex mamayang 12 am – 6 am naman ng umaga bukas magpapatupad ang Shell, Seaoil, Petro Gazz at PTT Philippines
4:01 pm bukas magpapatupad ang kumpanyang Cleanfuel.
Ipinabatid ng Department of Energy na nagkaroon ng taas- presyo sa produktong petrolyo ay ang pagluluwag sa China, na posibleng magpataas na naman ng worldwide demand sa langis.