Sinang-ayunan ng isang Technology Editor at Cybersecurity Expert na si Art Samaniego ang panawagang magpatupad ng AI o artificial intelligence-regulatory body sa bansa.
Ito’y sa gitna ng nakababahalang pagsulputan ng mga AI generated videos sa internet na posibleng gamitin sa iba’t ibang panloloko at mga iligal na gawain.
Sa panayam ng DWIZ, nanawagan ang eksperto ng agarang pagkilos ng pamahalaan at mambabatas na gumawa ng kaukulang batas na lalaban sa AI.
Maliban dito’y iginiit din ng IT Expert na kailangan ring manawagan sa mga social media platforms tulad ng meta na higpitan ang kanilang pulisiya sa kung ano ang mga lumalabas sa websites nila.