Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Concession deal sa pagitan ng gobyerno, toll operators bubusisiin ng Senado

by DWIZ 882 December 6, 2020 0 comment
SHERWIN GATCHALIAN

Bubusisiin ng Senado ang concession deal sa pagitan ng gobyerno at toll operators bunsod ng samu’t saring isyu sa implementasyon ng contactless RFID system.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, maghahain siya ng resolusyon ngayong linggo kasunod ng panawagan ng kapatid niyang si Valenzuela City mayor Rex Gatchalian sa North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na resolbahin ang matinding trapik na idinulot ng naturang sistema.

Binigyang diin ng senador na mahalagang aksiyunnan ng mga toll operators ang reklamo ng mga motorist sa loob ng tatlong araw, sang-ayon na rin sa alituntunin ng Toll Regulatory Board (TRB).

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment