Iginiit ni Commission on Higher Education (CHED) Executive Director Attorney Cinderella Jaro na dapat rehistrado sa Philhealth ang mga guro at non-teaching personnel na kabilang sa limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad.
Aniya, mayroong inilaang benepisyo ang Philhealth sakaling magkaroon ng sakit na COVID-19 ang mga nabanggit na guro.
Samantala, sinabi din niya na required ang mga isolation facilities sa mga kolehiyong magpapatupad ng face-to-face classes.—sa panulat ni Airiam Sancho